Tuesday, April 14, 2015
BASTED THERAPY 101
The Bomb Expert Tip
When was the last time na nainlab ka ng sobra? I mean yung sa tingin mo ay siya na talaga.An answer to your prayer.Ang granted mo sa wishing star.Ang babaeng walang mukha sa iyong panaginip.ang katuparan ng sinabi sayo ng manghuhula.ang pinaniniwalaang mong nakatakadang destiny mo at soulmate.Haay napakasarap magpaka wishfull thingking.wala namang masama sa pagiging optimistic at positibo kung yan ang paniniwala mo eh its up to you.pero dapat be carefull sa sobrang paniniwala sa happy ending.Dahil in reality mas madalas nangyayari ang sad ending.huwag sasama ang loob mo ha hindi sa kumukontra ako sa nagpapsaya sayo ngayon sabagay theres nothing wrong in trying sabi nga eh everybody dseserves a second chance.malay natin bigyan ka niya ng second chance after ka niyang mabasted.just remember minsan ultimo tadhana nagiging kontrabida sa pinapangarap nating lovestory.
Gaano ka ba kakulet sa panliligaw,ikaw ba yung tipong unang basted pa lang ayaw mo na,suko na agad at titigil ka na? o naghihintay ka pa ng panglawa at pangatlong pagkakataon? Para bang bowling nakanal man ang naunang tira at sumablay ang mga sumunod sa huling bola nman ay magbabakasakaling maka strike ka na. O kaya naman, sa tindi ng pagkainlab mo sa crush mo ay inunli mo na ang pagtanggap sa paulit ulit na pagkabasted.Pare masasabi kong isa kang alamat kung ganyan ka magmahal kung baga sa sakit na cancer,malala na ang feelings mo sa kanya na kahit na sinong magpayong doctor o kaibigan ay dina kayang alisin ang tumubong tumor sa puso mo.Pre nakikiramay ako kung nasa ganitong estado kana, kase para ka na ding namatay sa paulit ulit niyang pambabasted sayo kung baga sa krimen,multiple murder minasaker na nang husto ang puso mo.Dapat may standard level of damage o injuries ang puso mo hindi yung tangap ka lang ng tanggap ng hapdi,kirot,sakit at tusok hanggang sa malamog at magulpi na ng pagkabasted ang puso mo.Ito ang mga level of damages na dapat mong isipin habang nakikipagdigma ka sa pagiging basted.First daplis.slight lang ang tama,madali maka move on.Second sapul pero hindi bulls eye.dito iiyak ka na nang magdamag,mapupuyat ng isang lingo kakaisip,maaring idaan mo sa kain ang sama ng loob pero after a week back to normal ka,parang wala nangyare.Third.ito yung pang huli. BULLSEYE o sakto sa target.Ito ang pinaka fatal hindi ka lang mapupuyat dito ng isang lingo maaaring umabot pa ito ng buwan.Magiging nocturnal ka na dito sa gabi gabing pagsesenti o pagrereminisce depende kase ito sa ilang percent ng love and expectation na binigay mo dito.Unti unti ka ang mawawalang ng ganang kumaen at mahihirapan ka nang idivert sa ibang pagkaka abalahang bagay ang isip mo.Pare magisip isip ka na kung nasa ganitong kalagayan ka na.
Ang pagkabasted o rejection sa taong napupusuan nating mahalin ay isang normal na bagay na nangyayari sa buhay ng tao sa araw araw.Para lang itong traffic sa edsa na araw araw mong mababalitaan.Isang weather forecast na araw araw na binabalita pero iyun at iyon din ang siklo.In short, nothings special about it nor you have to be warned or worry about it.Oo, sa first empression pag narinig mo kase ang salitang basted, lalo na kung pinatutungkol sayo ay sadyang nakakainis at nakakalungkot.Pero kung ikaw ay isang normal guy na ang lakas ng loob magyabang,sasabihin mong, Ano ba yan? Parang hindi lalaki!!.And im sure tatawanan mo pa ang naka senti mode na guy dahil sa naging epekto sa kanya ng basted moment.Ang pagkabasted kasi, maihahalintulad mo ito sa isang time bomb na may orasan o timer, may mga kawad na dapat kang putulin.Kaya dapat sa una pa lang alam mo na kung paano mo ide deffuse ang bomba.Ang mga kawad na dapat ay maingat mong pipiliin kung alin dapat maunang putulin ay tulad din ng mga kone konektadong epekto ng pagkabasted sa ating mga lalaki.Dapat pag aralan mo kung paano putulin ang mga epekto nito sa iyong sistema, sa isip at sa iyong puso.Dapat ay may timer ka rin tulad ng orasan ng bomba, dapat alam mo kung paano pabilisin ang diskarte mo sa pagtanggap dito bago sumabog nang tuluyan ang napakalakas na impact nito sa utak mo.Kaya ilan lamang sa mga tip na ito ang aking naiisip ibahagi sayo para kahit papaano makatulong sa pagde deffuse mo ng bomba.
The Bomb Expert Tip
Mga Dapat Isipin sa Panahon ng Pagka Basted
• Guwapo ka at Hindi ka Panget
Burahin mo na sa isip mo ang maling paniniwalang nag-ugat pa noong first time kang nabasted.Kasi kung hanggang ngayon naniniwala kang panget ka kaya hindi ka nagugustuhan ng mga nililigawan mo,isa ka sa sangkaterbang followers ni Charles Darwin sa inimbento niyang teorya na ang tao ay nagmula sa unggoy.Papayag ka bang ang ninuno mo ay si kingkong at kiko matsing? At ang mundong ito ay hindi earth ang pangalan kundi planet of the apes.Tandaan mo hindi ka unggoy, medyo hawig mo lang siguro.Alam mo bang habang pinipintasan mo ang sarili mo sa pagtawag mo ditong panget, lagi ka na lang magkakasala sa gumawa ng lupa at langit kasi para mo na rin pinintasan ang kanyang masterpiece.Kung ang mga abstract painter nga andaming humahanga sa mga painting nilang magulo at mahirap intindihin sa mukha mo pa kaya. Kung iniisip mo na isa kang produkto ng nagkamaling imagination ng nanay at tatay mo noong kasalukuyan ka nilang kinu-construct sa proseso ng sex, Hoy! Mahiya ka naman ‘wag mo silang sisihin.Mali ang nasa utak mo.Dapat nga magpa-salamat ka pa sa kanila dahil isinilang kang hindi maganda kundi isang guwapong bata.Dahil kung naging babae ka at naniniwala ka sa mga sinasabi ng mga taong panget ka, pa’no ka mambabasted? Heto ang reality at dapat isiksik mo sa utak mo. Kung panget ka, wala nang guwapo sa mundo.Tuwing haharap ka sa salamin makikita mo ang isang guwapong nilalang na bunga ng pagnanasa ni Eba’t Adan.Isang produkto ng mating season ng mga pogi at magaganda.Isa ka sa mga endangered species sa lahi ni Adonis at Cleopatra na pinag-aagawan dahil malapit nang maubos sa pag-dodominate ng populasyon ng mga babae kesa sa mga lalaki.Isa kang resulta ng crossbreeding ni Aga at Angelina Jolie.Bunga ng one night stand ni Brad Pitt at Charlene Gonzales,dahilan ng paglubog ng titanic noong gingawa ka ng nanay at tatay mong sina Leonardo de Caprio at Kate Winslet.Huwag kang mainis sa mga sinasabi ko dahil hindi kita inuuto o pinalalakas lang ang loob.Tinatanggal ko lang ang mga insecurities mo dahil kung matututo ka lang kilalanin ang sarili mo at magpapaka-totoo masasabi mong isa ka talagang certified GUWAPO.
• Be Proud to be Basted- huwag kang mahiya na aminin sa ibang tao na basted ka,lalong lalo na na wag kang maaawa sa sarili mo dahil sa sinapit mong iyan.Tandaan, hindi ka nag-iisa, milyong milyong lalaki sa bawat minuto ang nababasted araw araw.Kung lahat ng iyun ay magpoprotesta sa pamumuno mo,tiyak magiging greatest protest of the century ang mangyayari at tatalunin nyo pa ang EDSA revolution o kahit anung rebolusyon na nangyari sa kasyasayan ng mundo.Kahit yung mga bagong silang na lalaki,may nakatakda nang araw sa kapalaran ng buhay nila na sila ay mababasted.May nababaliw sa di matanggap na kabiguan,may nagpapatiwakal,may nagpapaka-senti o emo, may nagpapakalunod sa alak,may nagde-desisiyong lumipat ng tirahan o mag-resign sa trabaho dahil ayaw nang makita ang nambasted na minamahal,may humihinto sa pag-aaral o nawawalan na ng ganang mag-aral,may nagta-transfer ng school,may nanliligaw na lang agad sa iba kahit na alam niyang wala naman siyang feelings dito mapagtakpan lang ang paghihinagpis,may nagdedesisyong magpaka-beki na lang bilang protesta sa nambasted na sinisinta at ito ang huwag na huwag mong gawin bukod sa pag-inom ng panlinis ng inidoro o kaya’y mag-bunjee jumping na nakatali sa leeg ang pinutol mong sampayan niyo.Please lang bro lahat ng nabanggit sa taas huwag na huwag mong subukang gawin kung ayaw mong mapabilang sa mga weak o talunang Adonis. Dahil hindi pa ginagawa ang thropy at monumento ng mga lalaking dinedo ang sarili dahil sa pagka-BASTED.Kaya walang dapat ikahiya sa pagiging basted, at least natuto kang magmahal at tumanggap ng rejection.Masasabi mo na lang sa taong nambasted sayo na “kawawa naman siya hindi na niya nahintay ang pinaka-cute na version ng mukha at personality ko” Parang isang pelikula lang na dapat tinapos niya ang panonood hanggang ending,Oo siguro sa simula boring,pero ang totoo niyan pinakakagat mo lang siya at sa kalagitnaan dun na sana niya makikita ang intensity at climax.Dun na sana siya kikiligin ng sobra at di maiwasang sabihin sa’yong “ ang cute mo pala, ngayon ko lang natuklasan”.Kumbaga sa handaan, kinain niya kaagad ang desert at umuwing bigla. Tuloy di niya natikman yung pinaka-masarap na main corse. Hindi mo na kasalanan yun, ang mahalaga binigyan mo siya ng opportunity kaso sinayang lang niya.Ibigay mo na lang ang puso at ka-guwapohan mo sa mas deserving di ba?
• So what kung binasted ka niya, life still goes on, dapat tuloy ang cycle ng buhay mo,same as the other days, walang dapat magbago sa mood mo, lalong lalo na sa pagmumukha mo o appearance mong handsome.Dapat tandaan, wag kang magpaka losyang gaya ng ibang weak guys na nabasted.Dapat mas maging ma appeal ka pa at confident.Dapat lalo mong gawing fresh lagi ang aura mo.Wag kang magpapadaig sa rejection ng crush mo, wag na wag kang papaapekto dahil di ka naman dapat maapektuhan.It just happened na mahina ang IQ NG CRUSH mo,dahil kung talagang matalino siya.Nakita niya sana ang isang napakagandang opportunity na ibinibigay mo lang ng ganun kadali,hindi na niya kailangang mag effort.Una sa lahat tandaan mo bukod sa pagmamahal mo sa kanya kaakibat nito ang awa mo na mapunta siya sa lalaking hindi kayang pumantay sa level ng qualities mo.Dapat sana niyang naisip na napaka rare ng chances na makakita pa siya ng isang one of a kind creature na katulad mo.Kung baga sa kotse o cellphone, isa kang proto type sa species ng mga lalaki, limited edition ang model.Kaya dapat sinamantala na niya ang pagkakataon, isang limited offer na minsan lang dumating parang shooting star o bulalakaw na mahirap nang habulin pag nawala na sa paningin.Hayaan mong siya ang manghinayang sayo.Hayaan mong siya ang mapuyat kakaisip sa pinalagpas niyang pagkakataon na magkaroon ng prince charming na katulad mo.Imagine sa libo libong babae na puwedeng mahagip ng mata mo siya pa ang pinakapamapalad na na snipe ng romantiko mong paningin.
• Wag kang maTRAUMA, ang pagka basted ay hindi isang aksidente o isang crime scene na dapat tumatak at magbigay ng sindak,takot,inferiority complex,babala o taning sa Masaya mong buhay bilang isang single.Isipin mo na lang na isa kang matinee idol na actor sa isang patapos na comedy romance movie at kailangan mong gampanan kahit ayaw mo ang papel ng isang binabasted na manliligaw.Tandaan tayong lahat sa mundong ito ay mga artista na gumaganap sa ibat ibang klase ng eksena ng pelikula ng buhay araw araw.Dapat mo ding laging isaisip na hindi ito ang pinaka huling yugto ng masasayang araw mo sa daigdig ng lovers.Kapag mayroon kang nakikita na mag partner sa paligid mo na sobrang sweet. Iwasan mong mainggit.Tandaan.iba iba tayo ng labs istori it just happen na maaga nilang nahanap ang soulmate nila o maaga nilang nasimulan ang lovestory nila at ikaw ay kasalukuyang hahabi pa lang ng isang napakagandang istorya ng pag ibig.
• Share your blessing. Wag mong ipagmaramot ang experience mo na yan.Tandaan walang dapat isekreto sa pigiging basted.Hanggat maaari ishare mo pa ito bilang nagmamalaking status sa FB para makatulong ka rin sa iba pang nabasted at malay mo maging isa pa itong turning point ng nambasted sayo para ma realize niya na siya ang nawalan at sisihin ang sarili niyang dapat ay sinagot ka na lang niya..Ibandera mo ang sinapit mong pagkabasted.Ikuwento mo sa classmate mo,guwardya ng school nyo.kapitbahay niyo.tindero ng taho.katrabaho,bespren,kapatid, at sa kung sinu sino pa.Isa kasi itong precious moment ng iyong pagiging pilantropo o matulungin at pagiging mapagmahal sa kapwa.Imagine, sa panahon ngayon ang hirap nang humanap ng faithful na lalaki na handang ioffer ang buong sarili at magsacrifice alang alang sa totoong pag ibig.Hindi yan naisip ng girl na nambasted sayo.Wag ka nang makonsensiya kung tinanggihan ka niya at least sinubukan mong ipagkaloob sa kanya ang biyayang aabutin pa siguro ng taon bago niya mahanap.
• Hindi ka perpekto,Know your bad side.Kung sa unang tip,pinalakas ko ang iyong loob tungkol sa pisikal mong anyo.Dito sa tip na ito, Pipilitin kong tanggalin ang angas mo.Oo naroon na tayo anuman ang istura mo,lahat tayo ay puwedeng magkaroon ng dating o karisma sa mga madlang dilagz, depende yan bro sa kung pano at ano ang ipinoportray mong personality sa kanya.Sabi nga sa isang kasabihan, kung paano ka tinatrato ng mga tao ay iyon ang repleksiyon ng ugali mo.
Kaya dapat alamin mo kung anu ba talaga ang ugali mong hindi nagustuhan ng crush mo.hindi mo kailangang manggaya ng ugali ng iba,just be yourself at sundin mo lang ang dikta ng dalawang boss mo,ang iyong puso at utak.Dapat may coordination ang dalawang yan, yun bang magkasundo sila sa iisang desisyon.Kung mamahalin mo na ba o hindi.Hayaan mong mag mag jack en poy muna sila bago ka magdesisiyon.Kasi pag nagdesisyon ka kaagad na wala pang final judgement ang dalawang yan,o kasalukuyan pa silang nagdedebate tiyak, hindi rin magiging solid ang pagmamahal na mararamdaman mo.Dapat mong alamin kung anu ano ba ang mga negatibong ugali meron ka, kasi diyan ka titirahin ng mga traydor mong karibal sa crush mo muuaaahahaha!!!.Halimbawa, maririnig mo na lang sa iba na ” yan pa lang si Kuwan eh, kuripot at masayadong seloso, naku malas ng magiging gf niya!”. Gusto ko lang maging aware ka sa mga impression ng ibang tao sayo lalong lalo na sa impression sayo ng crush mo.Kung maganda ang impression, keep it up bro at lalo mo pang pagandahin.Pero kung panget naman at sa araw araw ay lalo pang nadadagdagan ng panget na tingin sayo, abah!!! Mag isip isip ka na bro.Sa pelikula lovestory man o hindi, ang kontrabida lang ang may panget na ugali at sila lang ang laging talo at luhaan sa ending.Huwag mong gawing IDOL si Paquito Diaz sa mga pelikula niya.Gayahin mo siya sa kung ano siya sa totoong buhay.Tandaan ang badboy image ay hindi totoong kasing lakas ng dating ni Robin Padilla.subukan mong ipakita yan sa parents ng crush mo hehehe.
TANGGAPIN NA SA PANAHON NGAYON LAHAT NG DILAGS MAY STANDARDS
Huwag ka nang umasa sa himala.o sa salitang destiny para sa tao nay an.kung ilang beses ka na niyang ni reject eh.mag esep esep muna hijo ha.Baka naman kase hindi ka pumasa sa standards niya.tandaan sa panahon ngayon bihira na sa babae ang walang standards sa pagpili ng sasaguting lalaki para maging bf.kahit taga probinsiya pa yan o taga bundok im sure hahanapan ka niyan ng standards.hindi na uso ngayon yung puro porma lang at pagpapa cute ang gamit sa diskarte.dapat may talino ka rin kahit mababa lang ang narating mong pinag aralan.dapat lagi ding may laman ang utak mo sa mga bagay bagay sa mundo at syempre dapat lagi ding may laman ang bulsa at wallet mo.dapat advance ang utak mo.futuristic in a way na kaya mong ipakita sa nililigawan mo na hindi lang salitang I love you ang kaya mong ibigay sa kanya kundi pati magandang future pag nagkatuluyan kayo.remember hindi nasasaing ang salitang I love you hehehe.
KARMA. RESBAK OF THE PAST
Dapat maniwala ka sa karma.lalung lalo na sa bad karma.Ika nga eh kung anu ang itinanim siyang aanihin tulad ng golden rule ni confusius na wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo.dapat bago ka magi sip ng kung anu anong negatibo tungkol sa madlang dilag na nambasted sayo ispin mo muna na baka iyan na ang resbak ng mga ginawa mong kalokohan sa mga past lovelife mo before.baka kasi masyado kang nasanay sa mabilisang diskarte dahil sa taglay mong karisma bilang guwapo.Remember sa panahon ngayon hindi lang papogian ang labanan.It takes time and effort bago mo matanggap ang reward na matamis na oo.Dapat ka ding magflashback na baka yan na ang karma mo dahil sa mga babaeng nadaan mo lang sa diskarteng mabilisan at sa huliy pinaasa at iniwan mo lang.
NEXT TIME. WAG ASSUMING.Baka naman kase nag expect ka kaagad ng positive results eh ilang araw ka pa nga lang nanliligaw gusto mo na agad kumota.as in dapt ba kayo na agad.ano nagmamadali? May lakad? Hindi porket pumayag sayong makipag date at tinatanggap ang mga bagay na bigay mo eh sobrang pogi points na agad ang ineexpect mo to the point na mangungulit ka na agad sa pagtatanong na kayo na ba? Pare hindi to amerika wala ka sa lugar ng diskarteng Hollywood.Tatapatin kita tsong gumalang ka naman sa kultura nating mga pinoy.Kung tutuusin napaka swerte mo pag nakahanap ka ng isang maria clara style na pinay sa panahon ngayon na dimo kayang idaan sa text at facebook lang ang unang diskarte sa panliligaw.Sila yung mga tipo ng babaeng irerespeto mo mula ulo hanggang paa tulad ng nanay at lola mo.Tandaan ha.wag mong kakalimutan to wag na wag kang assuuuumiing!!!! Hindi porket lumalaban sayo ng mga sweet greetings at love quotes sa text ay iisipin mo na agad na inlab din siya sayo. Hoy tom cruise!!! Be wise. Wag ka agad kakagat sa mga response na ganito ng babae.Maraming babae kase lalo na sa panahon ngayon na sanay na sanay makipag lambotsingan,harutan,biruan, at lanturan sa text man o sa facebook chat.Talasan mo ang iyong pakiramdam o ang iyong animal instinct.Dapat aware ka at mitikuloso sa mga sense o logic ng mga banat sayo ng girleez sa text man o sa online chat.Pag aralan mong irecognized kung alin dun ang seryoso at alin ang flirty lang.Minsan naman kase akala natin mga tol, yung pagtatrato satin ng isang girl na may pagka ispesyal ang dating ay may kung anung kulay na.what I mean is,minsan napaka sweet ng crush mo sayo to the point na pinaparamdam niya talga ang sobrang caring niya sayo.Minsan pa nga harap harapan pang ipaparamdam sayo o ipapamukha na nagseselos siya kapag may ibang girl na lumalapit o kumakausap sayo.Mag ingat ng husto pag ganito ang sitwasyon mo. Marame kaseng puwede maglaro sa isip mo eh at higit sa lahat pigilan mong mag alburuto yang puso mo sa kaba dahil sa sobrang kilig.Ang POTEKS yan kase ang mahirap sating mga barako eh, sensitibo tayo sa mga kilig moments lagi. Na hindi natin alam na hindi naman pala dapat ganon.Malay mo.namiiss lang pala niya yung bespren niyang lalaki na matagal na niyang hindi nakaksama o matagal nang patay,namimiss niya yung tatay niyang nasa abroad o puntod,namiiss niya yung kuya niya na nag asawa na at hindi na niya kasama sa bahay o kaya naman puro silang mga babae sa magkakapatid at naiinggit siya sa mga friends niyang may kuya. Kuya figure kung baga ang napi feel niya sayo.eh pagka ganito.dapat ituring mo na lang siyang bunso o nakababatang kapatid.Learn to accept the fact that most of the time some girls longing for a brotherly love..Maraming possible reasons na dapat mong isipin kung bakit minsan sweet sayo yung girl kaya dapat wag kang assuming batman.
Iwasang i-compare si Crush sa ex mo at iwasan ding laging mag kuwento about sa ex mo at past niyo
Wag maging bitter sa harap man o sa likod ng nambasted sayo.manatiling sweet at wholesome ang image.gawing bff si Crush na nambasted sayo.Para mas lalo niyang maramdaman na hndi siya kawalan.Wag gumwa ng mga bagay na kahiya hiya tulad ng paggamit sa ibang dilags para pagselosan ang nambasted sayo.Remember.diskarteng tanga yan at pigiging immature.Lalo mo lang binigyan ng emphasis ang pagiging bitter mo.Oo alam ko masaket.Pero mas masakit pagtawanan ng ibang tao dahil sa lantaran mong pagpaapakita na nanlulumo ka sa pambabasted niyang ginawa sayo at kitang kita na gusto mong gumanti.Inayawan ka na nga pagseselosin mo pa? anung gimik yan tol? Wag umiwas ng daan pag nakasalubong ang nambasted sayo bagkus igreet mo pa siya ng happy day sayo with a gigantic smile sa mukha mo na parang ngiti ng isang nanalo sa lotto.tingnan ko lang kung hindi mapaisip ng husto yang bumasted sayo hehehe.Pag ininvite ka niya sa birthday niya o anumang okasyon o gathering, wag na wag mo siyang tatanggihan.dito mo kase maipapakita na ok Kapa rin sa kabila ng nangyari.at kapag nandun kana sa venue ng okasyon try to stay casual.Panatilihin mo ang natural mong mood o ugali.Walang dapat baguhin lalong lano na pag naencounter mo dun yung guy na mas pinili niya kesa sayo.Hanggat maaari ijamming mo pa yung guy na para bang tropa mo lang para hindi nila maisip na bitter ka sa ginawa niyang pambabasted sayo.Wag kang makipag compete sa guy na yon sa okasyon na inatenan mo.Wala ka namang dapat patunayan na mas lamang ka sa guy na yan.Ang mahalaga naging totoo ka at pinakita mo kay crush ang totoong ikaw.Hayaan mong siya ang maka discover na dapat ikaw na lang ang pinili niya kesa sa unggoy nayan.hehehe
Wag sisisihin ang sarili.Kung hanggang ngayon nanlulumo ka pa rin at sobrang sinisisi ang sarili sa mga diskarteng ginawa mo na sa akalain moy sobrang sumablay kung kaya ka binasted ng mahal mo,nararapat lamang na itigil mo na yang pagsesentimiyento mo at pagbubuhos ng sama ng loob sa sarili.Itigil mo na rin yang pagpapakalunod sa alak at pagsusumbong sa mga katropa mo na para bang batang inaway ng kalaro.Huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo dahil maraming posibleng dahilan kung bakit ka niya nireject.Kung first time mo lang yan sa girl na yan eh subukan mo ulit mangulit sa pangalawang pagkakataon.Kapag basted ulet ang resulta, palamig ka muna ng kahit 2 weeks o isang buwan then try mo ulet sa pangatlong pagkakataon baka kase sinusubukan ka lang ng girl na yan kung hanggang saan mo kayang tiisin ang mga challenges na binibigay niya at hinihintay niya talagang mag effort ka ng 100 percent.Tandaan,lahat ng babae ganyan ang hinahanap sa isang guy na nanliligaw at dapat mong malaman na kapag nagbigay na ng kundisyon ang crush mo sa kung anu ang mga dapat at hindi mo dapat gawin ay isang napakalaking opportunity na yan,it means andun ka na sa stage na inievaluate ka na niya kung makakapasa ka sa mga demands at pagsubok niya.Dapat matalas ang pakiramdam mo kung nasa ganitong sitawasyon ka na.huwag kang maging manhid at tanga sa mga signs na binibigay niya sayo.At dapat sikaping magawa ang mga demands niya,hindi ka naman niyan bibigyan ng mga imposibleng bagay o buwis buhay na challenges mapatunayan mo lang ang sinserity mo.Pero kung sa pangatlong pagkakataon ay sumablay ka pa rin at bumagsak ka prin sa pagka basted eh,dapat mag u turn ka na o idetour na ang daang iyong tinatahak hehehe.Kung baga eh, better luck next time na lang pero sa ibang girl na.Huwag mong ikulong ang puso mo sa isang taong hindi ka kayang tanggapin at mahalin.Mahirap kaya ikarir ang pagiging martir hehehe.
,
Wag magbilang ng effort!
Ito ang huwag na huwag mong kakalimutan kung ayaw mong isumpa ka at ipahiya sa madlang people ng crush mo.Lahat ng mga bagay na ibinibigay at ginagawa mo para sa crush mong nililigawan ay hindi mo dapat ilista o bilangin.hindi mo rin ito dapat ikuwento o ipagmalaki sa iba gaya ng pagbibida mo sa kung magkano ang bili mo sa regalo mo sa kanya,saan kayong restaurant o lugar namasyal at magkano ang ginastos mo,ilang oras kang naghintay sa inyong usapan,ilang gabi ka nang napupuyat sa pagdalaw dalaw sa kanya,ilang beses ka nang na out of place sa tuwing kasama ninyo mga kaibigan niya,ilang beses ka nang naulanan at nagkasakit sa paghatid at sundo sa kanya,ilang load ng cp na ang naibigay mo sa kanya at ilang beses ka nang nagmukhang alalay at alipin sa mga bagay na pinapabuhat niya sayo at pinapagawa.Kailangan bang bilangin ang lahat ng ito,rember the saying “no guts no glory” at “pag may tiyaga,may nilaga”. Kung baga sa magsasakang tanga,wala ka pa ngang itinatanim gusto mo nang umani.huwag ganon pre.Napakasarap makamit ang isang napakatamis na “OO” ng iyong mahal kapag pinaghirapan mo talaga at galing sa puso lahat ng iyong effort.
Irespeto ang desisyon ni Crush.
“Sorry ha.Puwede bang friends na lang tayo.Hanggang dun lang talaga ang tingin ko sayo eh”
Kapag ilang beses mo nang narinig ang linyang ito, dapat lang na apakan mo na ang preno at tanggapin ng maluwag sa puso ang desisyon ni crush.Huwag nang mangulet pa at irespeto ang kanyang final na sagot.Pagpapakita kasi ito ng iyong totoong pagiging maginoo.Iwasang sumama ang loob sa kanyang sagot at huwag baguhin ang ispesyal na treatment sa kanya kahit na hindi mo na siya liligawan.dito mo maipapakita na totoo ang pagmamahal mo sa kanya.At pag aralang tanggapin siya bilang isang matalik na kaibigan na lang.Huwag mo nang pangaraping magiging kayo pa, kung siya ay may final descision na,dapat ay may final descision kana rin.Masakit man pero kailangang tanggapin
na BASTED ka talaga hehehe.
.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice posr
ReplyDelete